note01

I

Monday, October 29, 2007

Image Created At http://freecodesource.com


Image Created At http://freecodesource.com





Huwag kang mag alala....kung naliligaw ka man palagi.Tao ka din naman para magkamali(ibang usapan na yan kung halos araw-araw kang naliligaw).Hindi mo naman masisisi ang sarili mo kapag nawala ka kasi...wala ka nang magagawa...hindi mo na maibabalik ang TYM.Ang tanging magagawa mo nalang ay iwasang maulit pa ang mga masasaklap na pangyayari...at siyempre andito ako upang tulungan kang muli.

Kung sakaling sa tingin mo ay maliligaw kang muli...lalo na kung malakas ang kutob mo dapat basahin mo na agad-agad ang mga sumusunod na para malaman mo kung ano ang kailangan mong ilagay sa isang maliit na emergency bag(pinakamaganang gamitin ang pouch bag):

1.compass (pang drawing ng bilog at oblong)
2.stick (pang-tusok ng inihaw na marshmallow)
3.cellphone (para di mo ma miss ang teksmate mo)
4.flashlight (panakot ng katabi)
5.pera (pambayad sa pay phone kapag nagtelebabad ka)
6.pagkain (ibigay ito sa makikitang stray cat at askal)
7.posporo (para masunog ang extra T-shirt ng kaaway mo)
8.knife (panghiwa ng porck chop)
9.extra damit (pang-ingit sa kaaway mo dahil nasunugan siya ng extra T-shirt)
10.rope (*pang patiwakal* para ready ka na kung sa tingin mo di ka na makakabalik pa)
11.plastic bag (para lamang sa mga dyahilo *as in ung nahihilo pag mei byahe)
12.perfume *flammable* (extra lang ito kung wala ka nang posporo)
13.relo (grandfather's clock ang dalhin para mas portable)
14.papel (pang gawa ng origami)
15.DVD player *portable* (kung naiinip ka na, manood ka muna ng favorite movie mo)
16.da ring, da grudge, tale of two sisters at iba pang comedy movies (pang-pawala ng takot)
17.blanket (alam kong kakailanganin mo yan habang nanonood *sigurado*)
18.tent (para may tutulugan ka naman diba?)
19.mapa (design sa bag)
20.coupon ng free foods (kung kuripot ka lang naman talaga)

Sa ngayon, siguro yan na muna ang magiging kwento ko, maari ko din namang gawan pa ito ng part two ...kung may gusto man...

sige, mamamasyal muna ako, kung naayos mo na at nailagay ang mga nasabi sa iyong bag,maaari kita isama sa kapit-bahay ninyo...sama ka?