note01

I

Monday, October 29, 2007

Vandalz

VANDAL~!Yan ang madalas ninyo makita sa mga pampublikong lasema, upuan, ding-ding, sign boards, bus , lapag, puno, kisame at sa iba pang pampublikong lugar. Ang mga tao daw ay nagsusulat ng ganito upan maghayag ng damdamin. Isipin mo, gawin ba namang blog ang ang mga lamesa at upuan!Ang mga taong ito daw ay nahihirapan daw na maghayag ng saloobin (pag-advertise) sa pamamagitan ng pagsasalita(keso-mis)kaya ayun, ginawa nalang na papel ang mga pampublikong kagamitan at sinulatan ng ad.Pero kung iisipin mo, bakit naman kailangan mismo na sa public properties sila paboritong magvandal?
Batay sa resulta ng aming survey,ito ang kani-kanilang palusot:

~Wala silang papel (kung alam man nilang mayroon nito sa mundong ito).

~Mas madali itong makikita sa PK (pampublikong kagamitan) dahil mas common ito daanan ng mga common na tao (at alien).

~Ang mga pasaway ay sobrang madalang lamang na mag vandal sa private lot (or kung ano man ang tawag nyo dun).Mapapalitan daw kasi ito kaagad ng pintura makalipas ng ilang minuto pagkatapos isagawa ang balak lalo na kung may kinalaman ang nilalaman nito sa kanya.Maaari din na pabago-bago lamang ang isip ng may-ari ng provate lot sa pagpili ng pintura ng bahay nya upang magmukang bahay at hindi na pagkamalang higanteng trash can.Kung ok lng sa inyo na panandalian lang ito, edi hayaan mo na gawing instant eraser ang may-ari ng lot at swerte ka na lang kapag nalaman o nahuli ka niya dahil magkakaroon ka ng combo meal na sapak for free! Peksman, free lang talaga iyon as in walang bayad(kakaunti lamang ang nakakatangap nito dahil sa sobrang bilis ng takbo ng mga nag vandal e nauunahan pa nila ang mga magnanakaw ng cell phone).

~Kahit na halos long lasting ang vandal mo kung sa PK ka nag announce, mas madali naman masira ang karamihan nito kaya mas mabilis na mag fade ang ibedensya na may nagvandal sa nasabing gamit.

~Ang mga taong palagi sa PP nag hahang-out o ang mga taong "tambay" ay ang madalas mahilig mag advertise ng vandals kapag wala silang magawa(ngunit kung gusto mo na mas mabilis na kumalat ang balita mo, mag hire ka nalang ng madada na tsismosah).

~Ang iba naman ay ginaagawang messenger ang PK (bukod sa blog) para lamang maka reply sa mga taong nag IT (instant tsismis) sa kanila. Doon nalang nila nilalagay ang IT nila para di na sila mag away kung sino ang mag uuwi kung papel pa ang gagamitin nila.

~Ang pinaka common naman ay ang paglalagay lamang ng advertisment tunkol sa kanilang pinakamating ka-away, kabati, crush, kabarkada, idol,ka batch mate, classmate, kalaro, kasugalan, favorite teacher, hatest teacher, worst enemy (magkaiba iyon sa pinakamatinding kaaway...english i2), magulang at kung sinu-sino lang na makita sa daanan.

~Ang iba naman ay wala lang talagang magawa.



Tips:

Kung sa school nyo ka nag vandal at natatakot ka na baka mapatunayan ng teacher o kung sinuman na ikaw ang nagvandal...narito ang ilang tips para hindi mangyari ang iyong kinatatakutan:
1. Gayahin ang handwriting ng worst enemy mo.
2. Maglagay ng quote para mawala ang concentration nila sa pag hanap ng ibedensya.
3. Iwasang maging praning
4. Lagyan ng drawing ng favorite cartoon character ng teachers at principal ninyo.
5. Naglagay ng note sa huli.
6. Lagyan ng "pag hingi ng tawad" kung sakaling mahuli ka at pagbayarin.
7. Guluhan ang sulat.
8. Mag lagay ng iba pang makaka destruct sa kanila(maglagay ng mabangong pagkain malapit sa vandal spot mo para lumayo sila at hanapin nalamang ang pagkain.
9. Gawing mas mahaba pa sa pinaka-mahabang nobela ang announcement mo paka kung sakali na mahuli ka...e di, puede ka na sumali sa guineas world record ng pinakamahabang nobela na vandal.
10. lagdaan(ng sariling signature...mas artistic mas maganda).

Ilagay sa kalahating papel(intermediate pad), lagyan ng 1x1 picture at ilagay kung bakit gusto ang sumali sa NGSC (nice and good students' club).Ipasa pagkatapos ng recess.May deductions ang mga late ng 1 segundo pataas.